K A P E

"im not a hunk or even a good-looking guy but i can see you staring at me."

BLUSANG-ITIM

BABALA: KUNG HINDI KA NAGUUKAY-UKAY WAG MO NANG BASAHIN TO KASI WALA KANG MAPAPALA. (i know kahit hindi ka nag uukay-ukay babasahin mo pa rin to)

Bata pa lang ako mahilig na ako magbihis. mana ako sa nanay ko. gusto ko lagi akong kakaiba, lagi akong maganda, laging may bago. hanggang ngayon ganyan parin ako. kasi pakiramdam ko ibang tao ako kapag maganda ung suot ko.

ung pakiramdam na excited ka lumabas sa bahay niyo at pagtinginan ng mga kapit bahay niyo sa suot mo at kulang na lang na isampal mo sa mga makakasalubong na “putang ina niyo ang ganda ng suot ko, tignan niyo ko” na excited kang mag krus yung landas niyo ng taong kinakabog mo na maipakita sa kanya na “o leche ka, laban ka pa! chaps mo ngayon. 1-0 tayo”. ung eksenang inaantay mong may pumansin ng suot mo pero deep inside ineexpect mo naman talaga?

pero ang sikreto eh UKAY-UKAY lang naman talaga ung outfit mo. ung eksenang pag kinwenta kung magkano lahat yung suot mo hindi aabot sa 100 pesos?

personally, sobrang nakakawala ng stress ang pag uukay. guilty pleasure ko na nga ata yun. kung sa 100%,  85% ng damit ko ukay lang ung 15% nakaw lang. haha keme.

ung sa sobrang paguukay mo, alam na alam mo na ung amoy ng damit. nakaka ibang bansa. amoy amerika! manamis-namis :)

ung pagpasok mo pa lang sa ukayan tatayo sa isang hilera ng mga damit tutulak mo yung hanger sabay pili isa-isa

pili angat, pili angat! mas lalo na kung 10 each lang yung tinda todo halukay ka talaga.

pero bakit nga ba nakakaadik mag ukay? kasi mura na magaganda pa tinda? wlang kapareho. unique. eksenadora ang peg. minsan jackpot ka pa sa halagang sikwenta.

siguro titigil lang ako mag ukay kapag nahanap ko na ang blusang itim. ung damit na finally, masasabi ko na maganda ako inside and out.

bakit nga ba natin gustong-gusto na maganda ang suot natin? kasi natatago natin ung mga insecurities natin sa buhay. nafefeel natin na ibang tao tayo kapag maganda yung suot natin. pero tulad ng blusang itim, mawawala ang bisa ng ganda kapag hinubad mo na. at kinabukasan panibagong blusang itim na naman ung kailangan mong isuot para mag transform ka kasi ayaw mo pakabog.

nasaan na nga ba ang blusang itim? pahiram naman one day lang. tangina lahat na ng damit na inukay ko sinuot ko na, pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ako pinapansin. haha #hugot #segway

sobrang thank you sa naka imbento ng ukay-ukay. kasi sobrang hindi mo alam anung tuwa ung nadulot sa akin nun. ung ang ganda-ganda ng suot mo pero pera mo 50 pesos na lang? wear it with an attitude kebs na sa anda dala naman ng aura. haha

ung mga tao na nandidiri sa ukay-ukay, well, hindi ko kayo masisi kanya kanyang trip lang yan. ako nga trip ko hanapin ung blusang itim ee diba?

at ung sa mga naguukay-ukay na kinahihiya naman, wag mong antayin na mag abot kayo ng kapwa mo ukayera rin dahil ang mga ukayera may sariling pangamoy kung ukay lang talaga yan. 

basta kapag nahanap mo na yung blusang itim wag mo nang papakawalan ahh. o kaya benta mo sa akin. :) bibilhin ko agad-agad.

PATUKS

sino ka ba? a simple question yet hard to answer; sino ka nga ba talaga sa likod ng edited mo profile picture at kaplastikan na mga tweets? 

i was wondering bakit ang daming taong patuks!?

Patuks- noun. “isang lengwaheng bakla na ang ibig sabihin ay pretenders o plastik ” ; social climber.

masyadong powerful ang social media! ang daming advantages pinaliit ang mundo! sabi nga ng twitter, "what is happening?" sabi naman ni facebook, "what’s on your mind?”. 

pero bakit ganun ?

"kakaen ka sa JCO at iinum ng milk tea kahit hindi ka naman nagugutom. kasi ang nasa isip mo. kakain ka at mag mimilktea para may ma post ka sa intagram mo ; na putang ina niyo eto ako ngayon natikman ko na rin yan at plus 1 point sa ganda ko."

"bibili ka ng blackberry kahit hindi mo naman talaga bet kasi lahat ng friends mo naka BB at ikaw lang ang hindi. ingettera lang ang peg!"

"dati pag nagshopping ka excited ka pag uwe para isukat ulit. ngayon excited ka ng picturan at i-twitpic at ipagsigawan sa mundo na mga leche kayo may bago akong sapatos i-like niyo dahil nakakayaman lang ang peg ko."

"dati pag uwe mo sa bahay excited ka na makita ang family mo, nagyon excited ka mag online at tignan ilan ang naglike ng kemerut mo." 

"pupunta ka sa fort at kung saan para kumain sa mga restaurant na kakaiba ang pangalan pero ending paguwe more bus at jipany ka lang. kasi inniisip mo na kabog i-wall post to, na kumakain ako sa restaurant na kakaiba ang pangalan para makita ng mga kapit bahay namin na sosyal na ako."

Im not saying na magpakatotoo ka! gasgas na ang IAMWHATIAM at BEYOURSELF, minsan talaga kailangan natin maging plastik depende sa sitwasyon at sa taong kaharap natin. pero ang akin lang diba mas masarap mabuhay na hindi artista ang peg mo? naka mind set ka kasi na may mga fans ka at likers ka so feeling mo tuloy artista ka kahit hindi ka naman gandara.

bakit hindi mo subukan ipost,

"wala kaming ulam ngayon kasi ung pera namin pinambayad sa tuition ko para makapagaral ako."

"hindi ako sumama sa lakad ng tropa kasi wla na akong pera pero nagdahilan na lang ako na kunyari masama ang pakiramdam ko para hindi mabangisan ang patuks na peg ko."

"ang pangit pangit ko ang dami kong boomboompow sa pez at magaling ako sa photoshop."

"nandito ako ngayon sa fort at nakikipag friends sa mga sosyal na hindi ko kakilala para pag close na kami sosyal na rin ako"

"bibili ako ng bag na mas maganda sa jowa ng ex ko kasi kinakabog ko siya kahit nahihirapan na ako"

syempre bakit mo naman gagawin yan? nagpapaka patuks ka nga diba? aminin mo affected ka! kumbaga sa advertising, binebenta mo ung sarili mo pero siyempre itatago mo ung mga pangit. persuading people lang ang peg mo. para kang billboard ng maxipeel; kutis artista kutis pang diyosa pero sa personal pag ginamit mo na kutis tindera! sunog. kutis tindera ng taga bakery!

parang ang hirap mabuhay kasi ng peke. mukha mo pineke ng adobe. ung yaman niyo pineke ng mga wallpost mong kunyari mayaman kayo. ung lovelife mo kunyaring masaya at nakamoveon ka kahit wiz naman, ung pamilya niyo kunyari masaya kahit wala na kayong makaen.

wag mo kasing pekein ung identity mo. aminin mo mahirap i sustain. mahirap isustain na maganda ka kasi ung editing skills mo chambahan lang. mahirap isustain na mayaman kayo kasi minsan talaga hindi mo na afford ung mga bagay bagay na nakakashala. mahirap isustain na masaya kahit deep inside ang sakitsakit na. #hugot101 #segway. hahaha

"hindi masama mag feeling artista at shala, wag lang sobra."


recycled.

recycled.

DEYDRIMIN’

Lahat tayo may mga kanya-kanyang ritual bago matulog. may nagsususklay ng isang libong beses dahil walang pang rebond may mga wirdo naman na nagbabasa para makatulog. may iba na walang ginawa kundi bilangin ung tigyawat sa harap ng salamin at lalagyan mena para tuyo na kinabukasan. 

pero aminin nyo, kahit anong ritual pa yan, lahat tayo may common denominator na ritual tuwing gabi. un bang pagkahiga mo halo-halong bagay ung mga nasa utak mo. kung anu-ano ang mga bagay bagay na naiisip mo. may problema, happy moments o kaya nirereview mo ung nangyari sayo the whole day. pero aminin mo na kahit anong bagay pa ang isipin mo. iikot at iikot lang yun lahat sa isang tao. ung tipong gabi-gabi na lang automatic na paghiga mo ng kama may isang taong iniisip ka at nagiimagine ng mga bagay-bagay? ung mga tipong sa panaginip lang pwede mangyari? ung tipong mga nagdaang pangyayari na gusto mong balikan? ung iniisip mo na sana, sana, sana at maraming sana pa?

ung niyayakap mo ung unan mong hotdog tapos iniimagine mo sya ung crush mo.tapos kikiss mo sabay sabi ng goodnight?

ung iniimagine mo na dibdib ng crush mo ung unan na hinihigaan mo.

ung iniimagine mo na may isang tao na nagaantay sayo sa labas ng school nyo tapos bigla kukunin ung bag mo, hahawakan ka sa kamay at maglalakad na kayo pauwe?

ung may isang tao na magtatakip sa mata tapos ayaw magpakilala tapos pagbukas mo ung crush mo pala may dalang bulaklak?

ung naglalakad ka sa SM tapos makikita mo ung ex mo may kasamang iba tapos kakabugin mo?

ung iniisip mo ung isang tao na kunyari nakayakap sayo habang natutulog ka tapos kumakaskas ung nota nya sa likod mo?

ung iniisip mo na sana mayaman kayo tapos bibili ka ng hermes na bag tapos papamigay mo sa mga friends mo?

ung iniisip mo na kunyari masasalubong mo ung crush mo sa gate ng school nyo tapos madadapa ka tapos tutulungan ka nya?

ung iniisip mo na ang ganda ganda mo na tapos magkikita kita kayo ng mga hs friends mo tapos ikaw ung bida?

tapos hindi mo mamalayan tulog ka na pala? wag kang tumawa kung ginagawa mo yan kasi ako, mas malala pa diyan.

parang sries na story ung sa akin. bawat gabi ibang pangyayari, bawat gabi ibang lugar pro iisang tao lang.

kaya ikaw na maswerteng tao na 2 taon ko na iniisip gabi-gabi sana makatulog ka ng maayos. kasi kahit ung puso at utak ko  naka move-on na sayo, ung panagnip ko hindi pa rin nakakaget-over! 

cguro nga hanggang panaginip na lang kita? sa panaginip ko na lang mababalikan ung mgagandang bagay na nangyari sa atin. :(

tapos pag gising mo sa umaga, dala dala mo ung mga “sana” na un sa utak mo na ayun ung mga nagsisislbing dahilan kung bakit nagpapaganda ka pag pupunta ka sa school. kung bakit hindi ka naguulit ng damit tuwing papasok ka. ung lagi kang fresh kasi any moment pwedeng mangyari ung mga “sana” mo in real life. na minsan inaantay mong mangyari un para mabigyan buhay ung mga “sana ” mo sa buhay.

na sana bago ka matulog ngayon, mabgyan katuparan ung mga “sana” mo mamaya paghiga mo ng kama. :)

<3

we found love parody.
soul sister.

soul sister.

DAPPER

DAPPER